Salamat Panginoon…

Panginoon, salamat po sa mga biyaya na inyong ipinagkakaloob. Ang puso ko’y umaapaw…

May natanggap akong isang magandang balita. Alam kong hindi ako palaging nagdarasal. madalas… natutulog na lang ako nang hindi na nagdadasal. isang bagay na hindi ko na naitama sa aking sarili. Alam ko rin naman na hindi ako ang pinakamabait na tao. nakakalimot tumawag sa Kanya. Nakakalimot ring magpasalamat. Ngunit hangad ko ang ikabubuti ng lahat. Dasal ko ang kaligtasan at kaligayahan ng aking mga mahal sa buhay, kaibigan at mga kababayan. Hangad kong sa araw-araw ay maging mabuting nilalang…

Umaapaw ang puso ko sa saya. Hindi ko maipaliwanag… Isa itong paalala na sa lahat ng pagsubok ay may naghihintay na magandang balita. Sa lahat ng pagod, may naghihintay na ginhawa.

Sa lahat ng paggabay, sa lahat ng biyaya, sa pagmamahal…

Nagpapasalamat po ako nang lubos, dahil nandyan Kayo. At hindi Ninyo kami pinababayaan.

Umaapaw ang aking puso sa tuwa.

Maraming Salamat po!

 

nagmamahal,

Raechelle

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s